
K O M U N I D A D
KKK
Ang edukasyon ay mahalaga sa bawat isa dahil dito nakasalalay ang kinabukasan ng bawat tao at kung ano ang kanyang kahihinatnan dito sa mundo. Lahat ng mga mamamayan ay nararapat na bigyan ng pantay na karapatan na pumasok sa paaralan upang madagdagan ang kanilang kaalaman. Dahil dito, ang kampanya ng mga mananaliksik ay ukol sa edukasyon para sa lahat, maging mga mayayaman o mahihirap.
Ang ating pangunahing layunin ng kampanya natin ay ang pagbibigay respeto pag-uunawa sa mga miyembro ng komunidad ng LGBTQ+ sa internet at social media. Sa ganito, nais nating ipaalam at ipaintindi sa lahat ang mga pinagdadadaanan ng komunidad na ito.
Sa paglipas ng panahon, tumataas ang konsentrasyon ng polusyon ng hangin sa bansang Pilipinas. Dahil sa polusyon na nanggagaling sa mga pabrika, kotse, gasolina at eroplano, may mga negatibong epekto sa kalikasan at sa mga mamamayan katulad na lamang ng sakit sa baga at puso, hika at maaring humantong pa sa kamatayan. Kung kaya’t ang aming layunin ay ang pagpapalaganap at pagsasagawa ng “green roofs” sa bansa nang sa gayon ay mabawasan ang “carbon dioxide” sa hangin upang mapaunlad ang pangangalaga sa kalikasan at ang pagsalba ng napakaraming buhay.
WHITE WASHING
Sa kasalukuyang panahon, makikita sa buong mundo ang isyung kasanayan ng pag-whitewash kung saan mas tanggap sa medya ang mga puti o mga taong nanggagaling sa kanlurang parte ng mundo kaysa sa mga POC (people of color). Dahil dito ang pangunahing layunin namin ay ang pagtigil ng pag-whitewash at pagbibigay oportunidad sa lahat ng lahi, lalo na ang mga POC at hindi lang ang mga puti.